Selos

Lahat ng tao sa mundo ay magkaka-iba ng ugali, pero sabi nga sa lahat ng hindi mo kayang pigilan ay ang "SELOS," hindi ka naman kase magseselos kung wala kang nararamdaman sa tao na yun eh, sa aking karanasan iba ang crush sa temporary love, yung crush kase umaabot lang weeks or atleast 2months at kahit alam mong may kasintahan na sya hindi ka magseselos, pero kapag temporary love naman ang pinag-usapan, nakakaramdam ka rin ng selos kase nga kahit papaano may nararamdaman kang love yun nga lang temporary lang, yung akala mong sobrang mahal mo na yun pala panandalian lang.

 Sa karanasan ko may iba't-ibang klase ng selos ang tao, may mga tao na hindi pinapakita kapag nagseselos sila, yung iba naman pinapakita talaga nila.

 1.Jealous Look - May mga tao na kapag nagseselos tinititigan nila ng masama yung taong kasama ng kanilang minamahal, na ang ibig sabihin "kung ayaw mong basagin ko yang mukha mo, lumayo layo ka sa mahal ko."

 2. Pretender - May mga tao na tinatawag na "Pretender" ito yung mga tao na nagpre-pretend na hindi sila nagseselos, kunwari parang wala lang, wala silang nakita, wala silang nararamdaman, pero sa totoo lang masakit na, tapos kinabukasan hindi mo maka-usap ng maayos.

 3. Observator - Ito yung mga taong ginagamit nila ang utak nila sa relasyon hindi puro puso kaya hindi sila madaling magselos at hindi madaling maloko ng mga "Users," sila yung tipo ng mga tao na o-obserbahan muna ang kinikilos mo bago mag-react in short "Bago yan magtanong may hawak ng ebidensya yan, kaya kailangan marunong ka magpalusot, kung ayaw mo masupalpal."

 4. Makitid ang utak - Ito yung mga taong wala ka pa ngang ginagawang kalokohan e pinagdududahan ka na, yung mga ganitong tao karamihan sakanila pakialamera at "Nagger" yung talo pa yung microphone at paulit-ulit nalang yung sinasabi(Nakakasawa rin ang paulit-ulit na sinasabi mo,punyeta!).

Comments

Popular posts from this blog

Itsura o Ugali?

Kailan Kaya