Itsura o Ugali?

Minsan ba naisip mo kung bakit ka nagmamahal? siguro dahil maganda, sexy at maputi sya? Minsan ba natry mo nang magmahal dahil mabuting tao sya? Minsan ba sa buhay mo na-try mo nang maantig sa ugali nya kesa sa panglabas na anyo lamang?


Sa panahon ngayon di na uso yun, siguro bibihira nalang yung mga taong naa-appreciate yung mga mababait na tao, na kahit anong itsura nila mataba, maitim, panget yung ganito ganyan sa kanyang katawan, napakabihira nalang, kase ngayon ang batayan nalang ng pag-ibig eh yung sa itsura o something matalino o di kaya naman mapapaganda yung image nya nung tao na yun.


Kung meron man akong natutunan sa buhay ko, yun ay yung mas masarap magmahal ng ugali kesa sa panglabas na anyo lamang. Masarap kase sa isang relasyon na totoong ugali ang pinapakita kesa yung may trophy ka nga di naman kayo magkasundo wala rin.


Sa totoo lang ang nagustuhan ko sakanya, yung pagiging childish nya, selosa, strikta at higit sa lahat ay yung ayaw na ayaw nyang di ko sya pinapansin, malulungkot at mag-aalala sya kung bakit aaw ko sya pansinin.


Kaya mahal na mahal ko yung eh.. kase nararamdaman ko kung gaano nya ako kamahal.

Comments

Popular posts from this blog

Selos

Kailan Kaya