Kailan Kaya

Kailan ko kaya makikita yung taong hahalikan ko tuwing umaga, yung taong dadakdakan ako kase nagseselos sya tapos hahalikan ko sya at yayakapin at sasabihin ko sakanya kung gaano ko sya kamahal, yung kapag nagsabay ang init ng ulo namin sasagutin ko nalang sya ng "I LOVE YOU" at sabay alis, yung yayakapin ko tuwing gabi at ibubulong ko sakanya kung gaano ko sya kamahal, at kapag may problema sya nandyaan ako para sakanya at hinding-hindi ko sya iiwan kahit ano man ang mangyari pro-protektahan ko sya. Yung taong paglalaanan ko ng oras ko kahit hindi kame magkasama ite-text ko sya kahit hindi man sya mag-reply dahil busy sya, at ipapaalam ko sakanya kung saan ako pupunta at kung sino yung mga kasama ko, yung magkasama kame sa lahat ng mga pangarap naming dalawa walang iwanan, para sa aming dalawa ang pag-ibig ay isang pagtanggap ng buong buo sa iyong minamahal at hindi mo sya huhusgahan, na ang pag-ibig ay hindi isang kabobohan o katangahan kung hindi isang pag-uunawaan at pagtanggap sainyong pagkakaiba at pagrespeto sa isa’t isa, kailan ko kaya mahahanap ang taong ito? Yung taong paglalaanan ko ng buong buhay ko na puno ng pag-iibigan, yung taong araw-araw kung yayakapin hanggang sa pagtanda namin, yung taong sentimental sa lahat, yung taong ipagdadamot ako sa iba kase ang gusto nya sakanya lang ako magpapansin at mange-epal, kailan ko kaya makikita ang taong iyon? Kailan kaya?

Comments

Popular posts from this blog

Itsura o Ugali?

Selos