A Piece Of My Heart

Image result for a piece of my heart


Based On True Story

Sa 6 years di ko alam kung bakit hanggang ngayon meron ka pa din puwang dito sa puso ko, yung feeling na sa tuwing maaalala kita eh, may mararamdaman ako dito sa puso ko na hindi ko maintindihan.

Siguro kase ikaw ang una kung minahal? Ikaw yung una nagparamdam saakin kung papaano magmahal ng hindi nagdadalawang isip, ikaw din yung dahilan kung bakit nagbago ako.

Ang alam ko lang nung mga panahon na yun eh, kung ano ang pabor sayo, kung ano sa tingin mo yung maganda.

Halos lahat ng kung ano noon binago ko para sayo para lang maging fit sa pamumuhay mo.

Di mo pa sinasabi alam ko, alam ko sa sarili ko na hindi yun papabor sayo at sa pamilya mo.

Sa sobrang pagmamahal ko halos nakalugmok nalang ako sayo, hindi ko na nga iniisip kung anong magiging future ko eh, basta ang mahalaga ikaw, kung paano ka magiging masaya.

Masyado kitang minahal na halos di ko na nakikilala yung sarili ko sa tuwing haharap ako sa salamin, kase alam ko sa sarili ko na hindi ako ganun, kaso kailangan ko gawin yun kase yun ang makakapag saya sayo.

Pero kahit minahal kita ng sobra sobra kulang pa din.

Mas pinili mong makinig sa ibang tao, mas nangibabaw sayo yung mga maaring marinig mo sakanila.

MASYADO KANG NAG OVERTHINK.

Hindi mo man lang naisip kung ano bang mararamdaman ko kapag sinabi saakin yun ng mga kaibigan mo, wala kang ginawa nakikinig ka lang, tahimik sa isang tabi, ni sita wala.

ANG SAKIT. SOBRANG SAKIT.

I never expect na hahayaan mong gawin nila saakin yun.

Kaya nagdecide ako makipag hiwalay sayo, para akong sinampal ng paulit ulit sa mukha nung mga time na yun.

Hinabol mo ko pero ayoko ng linungin ka pa dahil sa sakit na naidulot mo saakin at ng mga kaibigan mo, ni hindi kita kayang tignan or ayokong marinig yung boses mo ng mga time na yun, hanggang sa naglayo na nga ng tuluyan ang landas natin.

Napapa isip ako, bakit ganun? Bakit sa tuwing naalala kita may nararamdaman pa din akong di ko ma-explain, hindi naman na ako galit, pinatawad na kita. Pero bakit ganito? Kahit wala na yung pain, yung galit masaya na ako sa buhay ko, pag naiisip kita, may something talaga.

Siguro nasasayo pa yung kunting pagmamahal???? O baka attachement? kaya ganito pa din nararamdaman ko para sayo.

Comments

Popular posts from this blog

Itsura o Ugali?

Selos

Kailan Kaya