Paano nga ba gumawa nang isang tula?

Paano nga ba gumawa nang isang tula?



Kaninang hapon habang nakasakay sa jeep at nag-iisip isip ng mga pangyayari sa buhay ko, may isang napakagandang babae ang sumakay sa jeep, tinitigan ko sya at para bang ayaw ko ng i-alis ang mga paningin ko sakanya, kaso nainis ako sa kaibigan nya dahil masyadong feelingera, akala nya kase sya yung tinitignan ko at sakanya ako may gusto kainis di ba? Kaya sumusulyap-sulyap nalang ako sakanya, hanggang sa may biglang sumakay na kakilala nya. Sa wakas narinig ko rin ang boses nya, napakalambing ang sarap pakinggan, nakita ko syang ngumiti mas lalo pala syang maganda kapag naka-ngiti, naisip ko papaano ko kaya ipapahayag sa babaeng ito ang aking paghanga, paano ko nga ba itutula ang aking damdamin sakanya? Ang dami kung naiisip na pwede kung sabihin pero hindi ko naman alam kung papaano ko ba itutula, paano nga ba ang tamang pagsulat ng tula, ang tula na nais kong ibigay sakanya, napaisip ako paano nga ba gumawa ng tula? Upang mai-alay ko sa magandang babae na nakasabay ko sa jeep ngayon ang babae aking sinisinta. Pagbaba ko ng jeep nagkatinginan kame, naisip ko magkikita pa kaya kame? Maiia-alay ko pa ba sakanya ang tula na nais kong i-alay sakanya?

Comments

Popular posts from this blog

Itsura o Ugali?

Selos

Kailan Kaya