Separate Ways

May mga bagay talaga na akala natin tapos na yun pala hindi pa yun yung tamang oras para sainyong dalawa.

Minsan si tadhana gagawa ng paraan para pagtagpuin kayo pero sa huli paghihiwalayin din pala kayo, minsan akala mo wala ng susunod pang mangyayare kase tapos na, yun pala palilipasin nya lang yung panahon, kumbaga hinihintay lang ni tadhana na maging ready kayo sa isa't isa sa tamang panahon, yung tipong matured na kayo at kakayanin nyo na yung mga susunod na trials sa buhay nyong dalawa, I realized na hindi lahat ng nagtatapos ay tapos na, minsan need lang muna natin kilalanin yung sarili natin para kapag nagkita ulit kayo parehas na kayong ready sa isa't isa.

Pero depende pa din sa tao kung sa tinagal tagal ng panahon eh, magmamatured ba sya o mas lalong lalala, siguro kaya pinaghihiwalay yung dalawang tao kase hindi pa ito yung tamang panahon.

Bumalik ka nga kaso wrong timing na naman.

Di pa ako buo. Masakit pa, may mahal pa ako, mahal ko pa.

Kaya hindi na muna.

Comments

Popular posts from this blog

Itsura o Ugali?

Selos

Kailan Kaya