To My Past and Rebound

Ang tagal na din pala no, higit isang dekada na nung nangyari saatin to, and ngayon ko lang nafeel yung guilt na dapat noon ko pa naramdaman, i'm sorry for hurting you intentionally, sobra akong nasaktan nung mga panahon na yun, at gusto ko lang non ay ang gumanti at ipakita sayo na worthy akong tao para saktan ng ganun ganun nalang. Mahal na mahal kita noon halos ikaw ang naging inspirasyon ko kaso nung iniwan mo ko bigla nalang naglaho yun, kala ko kase ikaw na eh, di ko naisip bata pa tayo nung mga panahon na yun, di ko naisip na hindi pa tayo ready, although alam ko minahal mo talaga ako ng totoo, pero mas nangingibabaw yung galit ko sayo nung mga panahon na yun. I admit, rebound ko sya, i admit nasaktan ko kayong dalawa, ikaw na mahal ko na hinahabol ako kaso tinutulak kita papalayo kase galit na galit ako sayo at sa rebound ko na hindi ko kayang mahalin, kala ko kase kapag masaya ka mafa-fall ka din sa huli, hindi pala. Mas lalo lang naging worst yung situation naming dalawa, everytime na kasama ko sya, ikaw ang naalala ko. Na sana tayong dalawa yung ganito, tapos ganito yung mga bagay na ginagawa natin noon, everytime i kiss him, ikaw ang naalala ko, everytime na niyayakap nya ako, naiisip ko sana ikaw nalang yun, sana ikaw nalang yung kasama ko. Akala ko kase madali lang ang lahat lahat, na ang pag ibig ay natutunan din sa huli, mas pinalala ko lang pala yung sitwasyon ko, mas pinalala ko lang sitwasyon nating tatlo, ikaw na totoo kung mahal naging miserable yung buhay kase masyado kang nasaktan, ako na nagpapanggap na masaya sa taong hindi ko naman kayang mahalin, nagcocompare ako, nasa point ako na kahit mas masaya ako dun sa rebound ko, nasasabi ko sa sarili ko sana tayo nalang yung ganito, sana ikaw nalang yung kasama ko. I'm sorry for the both of you, ikaw na minahal ko noon na nasaktan ko at sa rebound ko ng 1 year na kahit kailan hindi ko naman minahal.

Comments

Popular posts from this blog

Itsura o Ugali?

Selos

Kailan Kaya