First Love. First Scars
Sabi nila ang first love nag iiwan yan ng scars sa puso natin, yun yung mga nakaraan na ang hirap bitawan.
I really don't know why? Everytime na magmamahal ako at kapag lumalalim na yung nararamdaman ko sa tao na yun, ikaw ang naiisip ko, hindi ko alam kung bakit? Hindi ko alam kung bakit ikaw ang naiisip ko lagi lagi, bakit nga ba hindi ka mawala sa isip ko? Bakit ba sa tuwing nakikita ako ng mali ikaw ang naiisip kong tama.
Siguro tama nga sila, na ikaw yung ideal ko, ideal partner na makasama sa habang buhay.
Ang dami kung plano para saating dalawa noon, sabi ko papatunayan ko na karapat dapat ako sayo, pero hanggang ngayon di ko magawa gawa, stock ako na gusto kong bumalik sayo pero nandoon din yung point ko na hindi kita deserve kase labis kitang nasaktan noon.
Nakokosensya ako sa ginawa ko sayo, nakokonsensya ako kase minahal mo ko ng totoo pero ang sinukli ko ay puro pasakit sa damdamin mo, sa sobrang selfish at taas ng pride ko, di ko nakita yung mga sacrifices mo. Di ko naisip yung nararamdaman mo, na para pala saating dalawa yung desisyon mo na yun.
Dalawang taon ka nagdusa maka move on lang, sobrang sakit makita yung mga larawan mo na pinipilit ngumiti kahit alam mong nasasaktan na, pinipilit maging masaya kahit durog na durog na, umiiyak habang iniisip ako na nasa kamay na ng iba, umalis ng wasak ang puso.
Sa sobrang pagmamahal mo saakin nagawa mo pa kameng sundan hanggang sa exit, hindi ko naisip yun, bat ko nga ba nagawa yun? Bat nga ba kita sinaktan? Tang ina bobo ko sa part na yun, imbis na intindihin kita mas inuna ko pa sarili ko.
After a year habang nagbabalik tanaw ako, ang dami kung natutunan sayo, which is naging part ng maturity ko ngayon, and i realized lahat lahat ng sacrifices mo, naiintindihan na kita.
Gusto ko mang bumalik sayo pero nakita ko masaya ka na eh, "BUO KA NA" hindi na dapat pa akong bumalik sa buhay mo, i'm just a history in your life.
Comments
Post a Comment