Ngiti

Inspired..
The Quotes Master on Twitter: "You make life more beautiful ...
Miss na miss na kita, sobra.

Sa tuwing naalala ko ang iyong ngiti, napapangiti din ako.

Wala akong ibang hangad ay ang iyong kasiyahan, gustong gusto ko nakikita ang iyong mga ngiti lalo na kung ako ang dahilan kung bakit ka ngumingiti.

Ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita kitang masaya, yung mga mata mong nangungusap na dito ka lang masaya akong kasama ka, kausap ka.

Mas lalo kitang minamahal kapag nakikita kong naka ngiti ka.

Mas lalo akong nahuhulog sayo sa tuwing napapasaya kita.

Mahal na mahal kita, at ang tanging hangad ko lamang ay mapasaya at maramdaman mong mahal na mahal kita araw araw.

Mahal na mahal kita pang habang buhay.

Comments

Popular posts from this blog

Itsura o Ugali?

Selos

Kailan Kaya