A Trilogy | Patawad paalam

Verse 1
Paano nalimutan ang lahat
Na kahit konti, walang pasabi
Paano nalimutang banggitin
Na nagbago pala ang pagtingin
Pag-asa, nasaan ka?
Ba't sumama sa paglisan niya?
Kung babawiin ang mga nasabi
Babalik ba sa 'king tabi?
Oh, oh
Nakatulong ba nu'ng lumayo ako?
'Di ba 'yon naman ang 'yong ginusto?
Simula pa no'n, kahit hanggang ngayon
Lahat ng daan ay pabalik sa'yo
Chorus
Ba't 'di man lang nagpaalam?
Oh, 'di lang ikaw 'yung nasaktan
Hindi pa ba sapat
Nu'ng binigay ko ang lahat?
Paalam
Balang araw ay makikita mong
'Di kailangan lumayo (kinailangang lumayo)
Kung paglisan lang ang paraan
Patawad
Paalam
Kahit nasa'n ka man
Wala na rin naman kahit na balikan
Wala na ang tamis nung ika'y nahagkan
At sa huling paalam naintindihan
Na sa ating dalawa
May ibang nakalaan
Verse 2
Saan ba magsisimula
Kung ako'y umaasa pa?
Naniniwala sa 'yong pangako
Na hinding-hindi susuko
Nariyan pa ba ang pinangarap ko
Na aking tinalikuran para mabuo?
Bakit gano'n, kahit sa'n lumingon
Lahat ng daan ay pabalik sa'yo?
Paanong burahin ang sandaling
Naiguhit sa panaginip
At kung sa pag gising ko ikaw pa rin
Ang nasa isip, hindi maitanggi
Verse 3
Pagbigyan ang aking tugon
'Wag iwan sa imahinasyon
Kahit na huling sulyap na lamang
Malaman lang na 'di nagkulang
Nahanap nga sarili mo
Nawala naman ako
Masisisi mo pa ba
Kung ako'y susuko na?
Patawad
Paalam
Patawad paalam
Verse 4
Hindi mo man mapakinggan
Ang aking mga dahilan
Matatanggi mo bang
Mahal na mahal kita?
Ba't 'di man lang pinaalam?
Oh, 'di lang ikaw 'yung nasaktan
Hindi pa ba sapat
Nu'ng binigay ko ang lahat?
Paalam
Paalam
Paalam
Paalam
Verse 5
Sa aking paglayag
Tiyak ika'y masasaktan
Hangad ko'y maintindihan
'Di maintindihan
Na sa tamang panahon
Hinding-hindi na iiwan
Kung 'yong pagbibigyang muli
'Di kayang pagbigyan muli
Kahit anong gawin
'Di na mababalik ang dati
Paalam, sa ating nakaraan
Paalam, sa mga pinagsisihan
Paalam, sa aking nadarama
Paalam, kaya ko na ng wala ka
Paalam, sa naging pagmamahalan
Paalam, sa mga pangakong naiwanan
Paalam, wala na 'kong pagsisisihan
At sa wakas ay kakalimutan
Verse 6
At kahit 'di nagpaalam
'Di bale na kung nasaktan
Ika'y naging sapat
Kahit tinapon ang lahat
Paalam
Paalam, salamat
Salamat sa lahat
Patawad kung ikaw ay aking nasaktan
Hindi ko nabigay ang iyong kailangan
At ang huling pangakong maibibigay
Na sa ating dalawa
Ay wala nang sisihan
Patawad paalam
Sating nakaraan

Comments

Popular posts from this blog

Itsura o Ugali?

Selos

Kailan Kaya