Huling Panaginip


April 04, 2020

Nag-message sa facebook yung ate ng Ex ko sa mama ko, sabi dun sa message
"Tita kunin po kitang ninang ni "_ _ _ _ _" punta po kayo ng 11am"
Nung nabasa ni mama yung message ng ate ng Ex ko, dali dali nya akong tinawag at sinabi saakin na, "Aj pumunta ka nga dun binyag daw ng anak ng ate ng Ex mo," so nagulat ako kase wala akong kaalam alam at hindi naman ako na-message ng ate ng Ex ko, so dali dali daw akong pumunta para iconfirm kung totoo nga.

Pagdating ko sa bahay nila nakawide open yung gate tapos nandun pa yung mga tent, lamesa at upuan, umaambon daw nung mga oras na yun, so dahil nakita kong naka wide open yung gate pumasok na ako sabay tinawag yung ate ng Ex ko, then umakyat ako taas, nagtatawanan sila kase bakit wala man lang daw akong dalang regalo para dun sa baby, hanggang sa pinapasok ako sa kwarto ng ex ko, umupo ako at kinausap ko sila ng ate nya, at sabi nila, "Bat ngayon ka lang pumunta? Anong oras na? Tapos na ang binyag," so sabi ko "sige pupunta nalang ako ng SM Fairview para mabilhan si baby ng regalo." Hanggang sa sinabi ng Ex ko na, "sige sama na din ako sayo, may bibilhin din ako sa SM," edi kinuha nya yung backpack nya, may mga nakita kong kasama silang lalake pero malabo nakaupo at nakaputing sando, paglabas namin ng bahay umaambon, so nag alinlangan pa akong lumabas kase nga umaambon pero sabi ng Ex ko habang nakaabang yung kamay nya para alalayan ako, "Sige na tara na alis na tayo, malapit lang naman yon," 

Hanggang sa patawid na kame sa Sm Fairview umaambon pa din, tapos sobrang putik daw ng daanan, tapos nakapaa nalang ako so puro putik na din yung paa ko, hanggang sa umakyat kame sa overpass puro putik din yung overpass nun, pagbaba namin ng overpass, umakyat naman kame papunta sa tawiran sa entrance ng mall, may nakita akong janitor na nakamask, may sinabi sya pero hindi ko na maintindihan, yung mga ibang kasabay namin na tatawid nauna na, kase napansin ko yung trapal na may tubig ulan, medyo may buhangin unti dun sa tubig, so sabi ko sa Ex ko lilinisin ko muna yung paa ko, habang naglilinis ako ng paa sabi ko sa ex ko, "wala ka bang dala kahit anong tsinelas dyan? Nakakahiya naman kung nakapaa lang ako," hanggang sa yung dala nyang supot kinuha nya tapos nilabas nya yung tsinelas ko na pangbahay, tapos puro putik yung tsinelas ko, kaya nilinis ko muna, gustong gusto ko na syang suotin kaso may dumi pa din naisip ko linisin pa ng mabuti sa tubig, hanggang sa parang mga lines na stain nalang yung natira sinuot ko na sabay sabi ko tara na pasok na tayo sa mall.

Pag pasok namin sa mall naghanap agad ako kung saan ako makakabili ng pangregalo ko sa pamangkin ng Ex ko, hanggang sa umupo sya sa isang cafe, nilapag nya yung backpack at yung plastic na pinaglagyan nung tsinelas, nakita ko sya nakangiti so sabi ko ano yan? sabi nya, "Ahh wala may nakita lang ako sa newsfeed ko, bat di mo ko gayahin? Tignan mo yung case ko may screen din sa likod pwede ka makapag Fb kabilaan." So nagtaka ako sa case nya pero yung back screen nya sa case malabo medyo maviolet yung dating, tapos tumatawa sya sabi ko bakit ka tumatawa? sabi nya, "anong date ngayon?" sabi ko, "April 04 bakit?" Tapos tawa pa din sya ng tawa hanggang sa sinabi nyang, "April 02 ang binyag ng pamangkin ko late ka na, kaya nga kame tawa ng tawa kase wala ka man lang dalang regalo or foods para man lang sa pamangkin ko" so nagulat ako sabi ko, "ha? Di ko naman alam eh, si mama lang kase biglang nagsabi saakin, eh hindi naman nagmessage saakin si ate mo kaya hindi ko din alam, eh hindi naman masyado nag ee Fb si mama kaya siguro nagulat sya kanina, kaya pinapunta nya agad ako sainyo para iconfirm kung totoo nga ba."

Hanggang sa humiga sya sa mall, naka free faller position sya, so nagtaka ako bakit sya humiga, pero humiga din ako tapos niyakap ko sya habang tinitignan nya yung Fb nya sa phone nya, sabay sabi nya, "tignan mo oh? Mahal mo pa ako dito." bumitaw ako sa pagkakayakap ko sakanya sabay sabing, "Oo, nung mahal pa kita noon." Sabay lingon nya saakin biglang tumutgtog yung kantang Paalam-Moira Dela Tore, Ben&Ben, at hindi na naalis yung pagkakatitig nya saakin at nagising na ako.

Sa totoo lang sa loob ng isang buwan mahigit, hindi ko alam bat ko sya napanaginipan, hindi ko naman sya naiisip or namimiss biglaan nalang? Pero kung ano man ang malinaw saakin dun, yung putik yun yung mga pinagdaan ko, at yung pagbitaw ko sakanya pag sabi ng oo nung mahal pa kita noon, ay indication na matagal na akong tapos sakanya at wala na akong nararamdaman pa.

Buo na ako. Madami ng nagbago.

Paalam - Moira Dela Torre x Ben&Ben
Paalam
Paalam
Paalam
Paalam
Sa ating nakaraan
(Paalam) Sa mga pinagsisihan
(Paalam) Sa aking nadarama
(Paalam) Kaya ko na ng wala ka
Sa naging pagmamahalan
(Paalam) Sa mga pangakong naiwanan
(Paalam) Wala na 'kong pagsisisihan
At sa wakas ay kakalimutan

Comments

Popular posts from this blog

Itsura o Ugali?

Selos

Kailan Kaya